
Pag-uusapan at pagpapasyahan ng mga miyembro ng House Prosecution Panel ang hinggil sa pagiging Trial Spokesperson at Private Prosecutor ni Atty. Benjamin Tolosa Jr.
Sinabi ito ni House Lead Prosecutor Rep. Gerville Luistro kasunod ng payo ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero sa prosekusyon at depensa na ikonsidera ang pagbabago sa kanilang mga tagapagsalita na hindi sakop ng subjudice rule.
Ayon kay Luistro, magkakaroon ng konsultasyon sa kanilang grupo kung ano ang pinakamainam at tamang hakbang pero siempre kanilang bibigyan ng bigat ang magiging desisyon ni Atty. Tolosa.
Facebook Comments










