Mga miyembro ng CPP-NPA-NDF, hinikayat ng NCRPO na magbalik-loob sa gobyerno

Tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Maj. Gen. Jonnel Estomo na tutulungan ng gobyerno ang mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na nagbalik-loob sa pamahalaan.

Ginawa ni Estomo ang pahayag kasunod ng pagsuko sa gobyerno ng karagdagang 55 na mga dating miyembro ng NPA.

Isinuko rin ng surrenderees ang kanilang mga armas at bala bilang patunay sa kanilang sinseridad sa pagbalik-loob sa pamahalaan.


Inaasahan na ng NCRPO ang tuluy-tuloy na pagsuko ng mga miyembro ng makakaliwang grupo matapos ang pagpanaw ni CPP-NPA-NDF founding Chairman Jose Maria Sison.

Facebook Comments