Wednesday, May 27, 2026

Bahay na hinalughog ng PNP-CIDG sa Pampanga na hinihinalang hide out ni Sen. Dela Rosa, pag-aari ng kamag-anak ni Sen. Padilla — NBI

Kinumpirma ng NBI na pag-aari ng kamag-anak ni Senator Robin Padilla ang sinalakay ng PNP-CIDG na bahay sa Angeles, Pampanga kung saan hinihinalang nagtatago si Senator “Ronald” Bato dela Rosa.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, natukoy na pag-aari ng kamag-anak ng senador ang bahay dahil sa mga sasakyang nakarehistro rito.

Pero hindi nakita si Sen. Dela Rosa sa mga lugar na hinalughog ng mga awtoridad.

Naghahanda naman ang NBI na imbitahan ang ilang personalidad na huling nakasama at nakausap ni Sen. Dela Rosa para sa imbestigasyon.

Facebook Comments