Umabot sa 36 na residente ng Brgy. Amanperez, Bayambang ang matagumpay na nakarehistro para sa upgraded Community Service Card sa isinagawang mobile civil registry services ng lokal na pamahalaan.
Sa ilalim ng programang “Your Name, Your Right,” patuloy na direktang inilalapit sa komunidad ang iba’t ibang serbisyong may kaugnayan sa civil registry.
Bukod sa pag-aayos ng mahahalagang dokumento, tampok din sa programa ang pagpaparehistro para sa Community Service Card na layong mapadali ang pag-access ng mga residente sa mga serbisyong pinansyal ng lokal na pamahalaan.
Dahil sa ginawang paglapit ng serbisyo, naging mas madali para sa mga residente na maayos ang kanilang mga dokumento at makapagparehistro rin sa mga programang direktang makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Kasabay nito, marami ring residente ang nakinabang sa iba pang serbisyo tulad ng late registration ng kapanganakan, kasal at kamatayan, pagwawasto ng rekord, at aplikasyon sa Libreng Kasalang Bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










