Friday, October 30, 2026

Red Alert status, itinaas na ng Bicol RDRRMC OEC kasunod pagputok ng Bulkang Mayon

Itinaas na sa Red Alert ang Emergency Operations Center ng RDDRMC ng Bicol kasunod ito ng pagputok ng Bulkang Mayon kaninang alas-11:53 ng tanghali.

Agad na nakipag-ugnayan ang Office of Civil Defense Bicol sa PHIVOLCS para alamin ang aktibidad ng nasabing bulkan.

Dahil dito, ayon sa OCD Bicol, lahat ng response clusters ay inactivate na at dapat na maging handa sa posibleng deployment.

Samantala, nakipag-ugnayan na rin ang RDRRMC EOC ng Bicol sa 9th Infantry Division of the Philippine Army para tumulong sa probinsya ng Albay para magsagawa ng paglilikas sa mga residente sa lugar.

Ayon sa OCD Bicol, sa Camalig, 205 pamilya na ang kasalukyang inililikas habang 152 pamilya naman sa Tabaco City ang in-evacuate na rin na pawang malapit sa loob ng six-kilometer permanent danger zone ng bulkan.

Habang, sinuspinde na ng provincial government ng Albay ang lahat ng klase sa buong lalawigan kasunod ng eruption.

Tiniyak naman ng OCD Bicol na naka-prepositioned na ang mga facemask sa lahat ng munisipalidad at lalawigan sa Albay.

Facebook Comments