BARKADA FRANCHISE FINANCING PROGRAM NG PAG-IBIG, PATULOY NA NAGBIBIGAY OPORTUNIDAD SA MGA NAIS MAGNEGOSYO

Opisyal nang binuksan ang franchise ng produktong Yummy Tokyo ng YC Yummy Venture Corporation sa loob mismo ng University of Pangasinan sa tulong ng Pag-IBIG Fund sa ilalim ng Barkada Franchise Financing Program.

Ang franchise ng nasabing food stall ay binubuo ng labing isang guro mula sa nasabing unibersidad kung saan layon na masuportahan ang mga estudyante sa pinansyal na aspekto.

Isa sa dahilan kung bakit binuksan ang nasabing franchise sa loob ng unibersidad ay para makatulong din sa mga estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng part time jobs.

Ang pagbubukas kasama ang nasabing franchise ay ang ika-13th overall barkada loan sa buong ilocos region ayon kay Atty. Marcial Pimentel, DCEO – Member Services Cluster Pag-IBIG Fund.

Binigyan-diin nito na hindi umano humihinto ang ahensya sa pag-isip ng mga ideya at programang makatutulong sa mga miyembro ng Pag-IBIG.

Isa lamang ito sa mga maaaring i-avail ng mga miyembro sa iba pang mga programa ng ahensya na malaki ang maitutulong tulad ng Housing Loan, MP2 Savings, Multi-Purpose Loan, at Expanded 4PH o Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments