Wednesday, June 10, 2026

PSC Chair, dumalaw sa burol ni ADMU player Baterbonia

Patuloy ang buhos ng mga nakikiramay sa pamilya Baterbonia sa Arlington Chapel.

Bandang alas-6:00 ng gabi nang dumating sa Arlington Chapel si Philippine Sports Commission Chairman Patrick Gregorio.

Hindi na nagpaunlak ng panayam si Gregorio.

Nauna nang ipinahayag ng Gregorio sa isang presscon na magkakaloob sila ng tig-P250,000 na financial assistance sa pamilya ng mga Ateneo student-athletes na sina Rene Baterbonia and Divine Adili.

Nakahanda aniya ang PSC na tumulong sa gagawing imbestigasyon at hahayaan nila ang due process na gumulong.

Dumating din kanina sa view area ang mga team mates ni Baterbonia sa Ateneo Blue Eagles.

Kasunod nila may mga pumasok rin na mga nakauniporme ng Ateneo de Manila University.

Kanina alas tres ng hapon humarap sa media ang ina ni Rene Baterbonia kung saan sinabi nitong nakukulangan siya sa paliwanag sa kaniya ng pamunuan ng ADMU.

Kinuwestiyon niya rito ang ilang kakulangan ng Ateneo nang magsagawa ng training sa Aurora.

Mismong sa briefing niya rin nalaman kanina ang resulta ng medicolegal ng Aurora Provincial Police Office na pagkalunod ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang anak.

Aniya, simula bata pa ito marunong na itong lumangoy kaya naman humihiling siya ng malinaw na paliwanag sa insidente.

Facebook Comments