Suspended Congressman Arnolfo Teves Jr., nasa Timor-Leste na

Mula Cambodia ay nasa Timor-Leste na si Suspended Congressman Arnolfo Teves Jr.

Kinumpirma ni Justice Secretary Crispin Remulla na humihiling din si Teves na mabigyan siya ng political asylum.

Aniya, ang bagay na ito ay masusing pinag-aaralan ng Department of Justice (DOJ).


Samantala, nilinaw naman ni DOJ spokesman Atty. Mico Clavano na ang political asylum ay binibigay lamang kapag ang isang pulitiko ay nakakaranas ng harrasment sa kanyang bansa.

Facebook Comments