Monday, May 4, 2026

Mga pantalan na naapektuhan ng magnitude 6.1 na lindol sa Eastern Samar, ininspeksiyon ng PPA

Nagsasagawa na ng inspeksiyon ang Philippine Ports Authority (PPA) sa mga pantalan na apektado ng magnitude 6.1 na lindol sa bahagi ng Eastern Samar.

Ayon sa PPA, kabilang sa mga naapektuhan ang Port of Tacloban at Port of Borongan na nakaranas ng magkakaibang intensity level ng lindol.

Kasunod nito, agad anilang rumesponde ang Emergency Response Team para siguruhin ang kaligtasan sa mga apektadong pantalan.

Wala naman napaulat ang PPA na nasaktan sa insidente habang nagpapatuloy naman ang inspeksiyon para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero at kanilang mga kawani.

Facebook Comments