
Inanunsyo ng National Wages and Productivity Commission ang pagtaas ng sahod ng mga kasambahay sa Zamboanga Peninsula ngayong buwan.
Ito ay matapos na aprubahan ng Regional Wage Board ang P500 hanggang P1,000 na umento sa buwanang sahod ng mga domestic workers sa rehiyon.
Epektibo sa May 20, nasa P6,000 na ang maiuuwi kada buwan ng mga kasambahay na nasa mga first class municipalities at chartered cities kabilang sa lalawigan ng Sulu.
Habang P5,500 naman mula sa dating nasa P5,000 ang magiging buwanang sahod ng mga kasambahay sa iba pang bayan sa rehiyon.
Saklaw ng wage hike ang mga lungsod ng Dapitan, Dipolog, Isabela, Pagadian, Zamboanga at ang mga lalawigan ng Zamboanga Del Norte, Zamboanga Del Sur, at Zamboanga Sibugay.
Facebook Comments










