
Naniniwala ang ilang mga opisyal ng pamahalaan at pribadong sektor na napapanahon na siguro para paganahin na ang Bataan Nuclear Power Plant.
Ito’y dahil sa krisis na nararanasan sa mga produktong petrolyo kung saan apektado o tumataas na rin ang singil sa kuryente.
Sa Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni Pangasinan 2nd District Mark Cojuangco na dapat pag-aralan na ng Kongreso na maipasa ang batas upang mabuksan ang nasabing power plant.
Aniya, huwag na sanang hinatayin pa na magkaroon ng problema sa suplay ng kuryente saka lamang kikilos ang pamahalaan.
Bukod sa kaniya, naniniwala rin si Dr. Cecillo Pedro na dating pangulo ng Federation of Filipono-Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc., na maiging tutukan o maghanap ng solusyon ang pamahalaan upang maibsan ang gastusin sa kuryente.
Aniya, hindi lamang mga regular na consumer ang naapektuhan sa pagtaas ng kuryente kungdi maging ang mga negosyante rin na gumagamit nito kung kaya’t dapat lamang na makahanap ng alternatibong paraan upang hindi malugi ang mga negosyo.










