
Wala pang napipisil si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magiging susunod na Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kapalit ni General Romeo Brawner Jr., na nakatakdang magretiro sa July 21.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, wala pa ring isinusumiteng shortlist ang Department of National Defense sa pangulo para sa susunod na mamumuno sa AFP.
Malinaw naman aniya na ang hinahanap ng pangulo sa susunod na AFP Chief ay isang opisyal na mapagkakatiwalaan, makabayan, maka-Diyos, masipag, at higit sa lahat ay inuuna ang kapakanan ng bansa.
Kabilang sa mga ikinokonsiderang posibleng humalili kay Brawner sina Acting AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Rommel Roldan, Philippine Army chief Lt. Gen. Antonio Nafarrete, Philippine Air Force chief Lt. Gen. Arthur Cordura, at Philippine Navy chief Vice Adm. Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta.










