
Nagsumite ng counter-affidavits sa Quezon City Prosecutor’s Office ang apat na mambabatas ngayong Biyernes, July 31.
Ito ay bilang tugon sa kasong isinampa ng kampo ni Atty. Mans Caprio, asawa ni Vice President Sara Duterte, kaugnay ng umano’y paglabag ng mga respondent sa Bank Secrecy Law, Anti-Money Laundering Act, at Data Privacy Act.
Ang nasabing mga kaso ay kaugnay ng umano’y pagsasapubliko ng mga bank record sa pagdinig noon kaugnay ng impeachment ng bise presidente sa kamara.
Sa kabilang banda, kasama rin sa naghain ng counter-affidavits ngayong Biyernes ay sina Manila 3rd District Rep. Joel Chua at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio.
Facebook Comments










