TATLONG SUSPEK SA CARNAPPING, TIMBOG SA SAN QUINTIN

Tatlong indibidwal ang arestado sa isang entrapment operation kaugnay ng carnapping incident dito noong Agosto 10, 2026.

Nasakote ang dalawang 24 at 26-anyos na kapwa taga-Bayombong, Nueva Vizcaya, at isang 30-anyos na residente ng San Quintin.

Narekober sa operasyon ang isang motorsiklong walang plaka, mga susi nito, at isang plaka.

Nakumpiska rin ang isang cellphone, ilang mga pera, pitong photocopy ng iba’t ibang OR/CR, at isang helmet.

Isinagawa ang operasyon ng San Quintin MPS habang patuloy ang imbestigasyon para sa kaukulang kaso laban sa mga naaresto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments