Friday, September 18, 2026

Sen. Robinhood Padilla, nilinaw na wala na siyang planong tumakbo muli sa politika

Nilinaw ni Senator Robinhood Padilla na wala na siyang planong kumandidato sa eleksyon kahit pa ang maging Bise Presidente ni Vice President Sara Duterte (VPSD) sa 2028.

Ito ang iginiit ni Padilla sa kanyang Facebook post ngayong araw.

Ayon kay Padilla, maliit pa ang kanyang mga anak at isang tahimik na buhay Islami ang kanyang pinapangarap at minimithi.

Tinukoy ni Padilla na kung may kandidato man na sa tingin niya ay pwedeng maging runningmate ni VP Sara ito ay sina:

Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano
Senator Imee Marcos
Senator Bong Go
Senator Bato dela Rosa
Senator Rodante Marcoleta
at dating Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo

Nagpapasalamat naman si Padilla sa napakaraming kaibigan na nagtutulak sa kanyang manatili sa pulitika, gayunman halata naman aniya na hindi siya nababagay sa mundong ito.

Dagdag pa ng senador sa salitang Ingles revolutionaries do not sit on thrones, they tear them down, o sa sinalin sa Filipino, hindi umuupo sa trono ang mga rebolusyonaryo at sa halip ay winawasak nila ang trono.

Facebook Comments