Arestado ang dalawang lalaki sa Dagupan City matapos makumpiskahan ng 21 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na ₱142,800.
Kabilang sa mga naaresto ang isang 48-anyos na may-asawang tricycle driver at isang 49-anyos na construction worker, kapwa residente ng Dagupan City.
Isinagawa ang operasyon ng Station 4, DCPO, katuwang ang CPDEU, CIU, PNP DEG SOU1 at PDEA Regional Office 1.
Narekober sa operasyon ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu, mga buy-bust money,, boodle money, at iba pang personal na gamit.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang dalawang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











