
Nagbabala ang Philippine Consulate General sa Hong Kong kaugnay ng bagong modus operandi ng money laundering syndicates na bumibiktima sa Foreign Domestic Workers (FDWs) doon.
Ayon sa Konsulada ng Pilipinas, marami nang mga dayuhang domestic workers ang nabiktima ng sindikato sa pamamagitan ng pag-alok ng 500-Hong Kong dollars kapalit ng pag-sign up sa mobile online game.
Hinihingi rin ng sindikato ang Hong Kong ID at larawan ng biktima para ma-activate ang sinasabing online game.
Gayunman, lumalabas na ang online game ay virtual bank app at doon na magagamit ng sindikato ang kanilang Hong Kong ID para makapagbukas ng bank account.
Ang nasabing bank accounts din ang gagamitin nila sa pagdeposito ng mga perang nakuha nila sa criminal activities.
Kaugnay nito, pinag-iingat ng Philippine Consulate ang mga Pinoy roon na magbahagi ng kanilang Hong Kong ID, passport at maging ng kanilang PIN sa ATM.
Ito ay lalo na’t ang money laundering sa Hong Kong ay may katapat na parusang multa ng HK$5 million at pagkakakukulong ng hanggang 14 na taon kada offense.