Monday, August 31, 2026

PNP at AFP, patuloy ang mga isinasagawang disaster response sa mga apektado ng habagat

Nagpapatuloy ang isinasagawang mga disaster response ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga rehiyon na apektado ng Southwest Monsoon o ng Hanging Habagat.

Ang mga tauhan ng PNP ay dineploy para tumulong sa mga residente na nasa evacuation centers,mga vital installations, sa search, rescue, and response operations at para sa monitoring at road clearing na mga operasyon.

Bukod dito , sila rin ay nag-assist sa mga nastranded na komyuter sa pamamagitan ng kanilang Libreng Sakay .

Habang ang AFP naman ay nagdeploy ng mga disaster response personnel , sasakyan at mga HADR assets sa mga apektadong rehiyon kagaya ng Tarlac, Pampanga at Bataan.

Kabilang sa mga isinagawa nilang operasyon ang relief at rescue operations, paghahatid ng suplay kagaya ng mga food packs sa mga naapektuhang residente.

Patuloy naman ang pakikipagugnayan ng PNP at AFP sa mga lokal na pamahalaan at mga disaster response agencies para sa mabilis na aksyon at tulong sa mga apektadong lugar sa bansa.

Facebook Comments