
Nanawagan si Senator Joel Villanueva sa pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) na i-waive o i-refund ang toll fees ng mga motoristang na-stranded ng halos buong araw o 22 oras dahil sa baha sa bahagi ng San Simon sa Pampanga.
Tinukoy ni Villanueva na dahil sa baha ay hindi nakadalo ng impeachment trial si Senator Lito Lapid at late na itong nakarating sa sesyon ng hapon.
Maging si Senator Robinhood Padilla ay kasama rin sa naipit sa traffic sa NLEX nitong Lunes.
Ipinunto ng senador na hindi lang simpleng inconvenience ang maipit sa expressway ng mahabang oras kundi usapin din ito kaligtasan at kapakanan ng mga tao.
Giit ng senador, nagbayad ng toll ang mga motoristang naipit ng mahabang oras sa baha pero hindi ganito ang serbisyong tinatamasa ng mga kababayan mula sa serbisyong kanilang binayaran.










