Tuesday, September 1, 2026

Mahigpit na seguridad sa mga pumping stations sa Metro Manila, ipinapatupad ng DPWH

Dismayado si Public Works Secretary Vince Dizon matapos ang insidente ng nakawan ng specialized cable sa Sunog Apog Pumping Station sa Tondo, Maynila.

Dahilan sa nangyaring nakawan, hindi gumana ang pumping stations kaya’t nagresulta ito ng abot bewang na baha sa lugar noong Sabado, August 29.

Ayon kay Dizon, matagal na pinaghirapan na ayusin at paganahin ang pumping station kung saan malaking pera ang ginastos tapos nanakawin lang ang mga kable.

Dahil dito, pinaiimbestigahan na ng kalihim ang nangyaring nakawan kung saan naka-deploy na ang mga Philippine Coast Guard (PCG) personnel upang bantayan ang Sunog Apog Pumping Station maging ang iba pang pumping stations sa Metro Manila.

Nabatid na idineploy ang mga PCG personnel para tiyaking ang seguridad ng mga pumping station para hindi na maulit ang insidente ng nakawan at matiyak na gumagana ang pumping stations lalo na kapag bumuhos ang ulan.

Facebook Comments