Friday, September 4, 2026

Warrant of arrest laban kay VPSD, inilabas ng QC Court

Naglabas na ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court (RTC) laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng kinakaharap nitong kasong grave threats.

Kinumpirma ngayong Biyernes ng abogado ng Bise Presidente ang paglabas ng warrant.

Ang kaso ay may kaugnayan sa mga naging pahayag ni Duterte noong Nobyembre 2024 laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at noo’y House Speaker Martin Romualdez.

Nauna nang iginiit ng kampo ni Duterte na dapat ibasura ang kaso dahil kinukuwestiyon nila ang hurisdiksyon ng korte.

Facebook Comments