Monday, May 18, 2026

Mga reklamo laban sa bagong polisiya ng Mindanao State University, pinaiimbestigahan ng Malacañang

Pinaiimbestigahan na ng Malacañang sa Commission on Higher Education (CHED) ang reklamo ng mga estudyante laban sa bagong polisiya ng pamunuan ng Mindanao State University (MSU).

Kabilang sa inirereklamo ng mga estudyante ang umano’y hindi pagbibigay ng travel authority ni MSU President Atty. Paisalin Pangandaman Tago sa mga medical at agriculture students para makadalo sa mga assembly sa labas ng Marawi main campus kahit bahagi umano ito ng kanilang course requirements.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, direktang pinatututukan na ni CHED Chairperson Shirley Agrupis ang reklamo ng mga estudyante upang maberipika ang mga alegasyon.

Binigyang-diin ni Castro na kailangang agad na maimbestigahan ang usapin upang matugunan ang mga problemang kinakaharap ngayon ng unibersidad.

Facebook Comments