Monday, May 18, 2026

DOE, inamin na bumaba pa ang supply ng langis ng bansa

Inamin ni Energy Sec. Sharon Garin na bumaba pa ang imbentaryo ng langis sa bansa.

Ito ay matapos na maitala ang 46.85 na araw na imbentaryo sa gasolina, 45.74 na araw naman sa diesel, 152.12 araw sa kerosene, 59.74 araw sa jet fuel, 50.14 araw sa fuel oil at 30.21 araw sa LPG.

Tiniyak naman ni Garin na hindi pa ito nakakaalarma lalo na’t patuloy aniya ang pag-angkat ng langis ng Pilipinas mula sa iba’t ibang mga bansa.

Kinumpirma naman ni Garin na walang magiging paggalaw sa presyo ng LPG bagama’t magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng diesel at gasolina.

Ipinaliwanag ng kalihim na buwanan lamang kasi ang anunsyo sa adjustment sa presyo ng LPG.

Facebook Comments