CAYUNGNAN ROAD SA AGNO, HINDI MADAANAN NG MGA MOTORISTA DAHIL SA TUBIG-BAHA

‎Ang dating bukid na tinaniman ng mga palay sa bahaging ito ng Barangay Cayungnan, Agno, Pangasinan, ay ilang linggo nang may tubig-baha.

‎Ayon kay JR, isang magsasaka mula Bani, ilang ektarya ng lupa ang tinaniman nila ng palay ang ngayo’y nasayang nalang dahil sa baha.


‎Samantala, nadatnan ng IFM News Team si Tatay Wilfredo na nag-aayos ng kanyang tinutuluyan malapit sa bukid na may tubig-baha.

‎Aniya, tatlong linggo nang ganito ang sitwasyon sa kanilang lugar, kaya’t napilitan na lamang silang pansamantalang lumikas sa ibang bahay.


‎Bukod sa bukid ay nilamon na rin ng baha ang parte ng kalsada sa Barangay Cayungnan. Ang mga residente ay nagbabalsa na lamang o lumulusong sa baha para makatawid.

‎Kaugnay nito, isinasaayos naman ang kalsada ng Department of Works and Highways (DPWH) Pangasinan 1st District Office bago pa bumaha sa lugar.

‎Nakakatanggap naman umano ng sapat na tulong ang mga apektadong residente mula sa mga kinauukulan, habang patuloy din ang monitoring ng mga awtoridad para sa mga kailangang mag-evacuate. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments