MGA SOLAR LIGHTS SA KAHABAAN NG TONDALIGAN BEACH, ITATAYO

Inihahanda na ang pagkakabot ng solar lights sa kahabaan ng Tondaligan Beach sa Dagupan City matapos ang isinagawang inspection na isinagawa ng Department of Tourism at Tourism Infrastructure and and Enterprise Zone Authority.

Nakatakdang ilagak ang mga poste ng solar lights mula Paras St. , Bonuan Gueset hanggang sa opisina ng BFAR sa Bonuan Binloc bilang bahagi ng pagpapaigting ng turismo at seguridad ng mga dumarayo sa lugar tuwing gabi.

Bukod pa dito, ilan pang development projects tulad ng Tourism Hub ang nakalinya kasabay ng One Bonuan Pavillion MacArthur Park at Skate Park.

Hiling naman ng ilang residente na maisakatuparan rin ang naturang pailaw sa kanilang lugar partikular sa mga island barangays. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments