PAGTUTOK SA EDUKASYON SA DAGUPAN CITY, TINIYAK

Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang patuloy na pagtutok nito sa larangan ng edukasyon, bilang isa rin sa priority areas ng lungsod.
Kasunod na rin ito ng matagumpay na pagdaraos sa lungsod ng ginanap na Regional Schools Press Conference at Regional Festival of Talents 2025, kung saan nabigyang-diin ang kahalagahan ng mga inilulunsad na education programs upang patuloy na malinang ang mga estudyante sa iba’t-ibang larangan.
Matatandaan na naglaan ng syudad ng nasa dalawang milyong piso para sa umiiral na Scholarship Program at inaasahang magpapatuloy ang naturang programa na bebenipisyo sa limang libong mga kabataang Dagupeños.

Samantala, nasa P20, 500 naman kada sem ang natatanggap ng mga kwalipikadong iskolars na ilalaan para sa pangmatrikula sa pinapasukang institusyon.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments