Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa Region 1, mahigpit na nagsasagawa ng hakbang ang Commission on Population and Development CPD upang mabigyan ng kamalayan ang mga kabataan.
Sa Kapihan sa Ilocos ng PIA, inilahad ni CPD Region 1 Information Officer, Ms. Mae Grace Ariola ang taas-babang kaso ng teenage pregnancy sa magkaibang age group.
Sa ibinigay umanong datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) tumaas ang kaso nito sa 15 below age group, mula sa 38 cases noong 2020 pumalo ito sa 137 noong 2023.
Samantala, bumaba naman ang naitala sa 15-19 age group, na nasa 6,820 noong 2020 ay bumaba ito ng 5,977 nitong 2023.
Ayon kay Ariola, maraming dahilan ang kanilang tinukoy na posibleng rason sa pagtaas ng kaso nito tulad na lamang ng Institutional factor, family factor, media factor, individual factor, at negative peer factor.
Hiling ng tanggapan na maging bukas ang publiko lalo na para sa mga kabataan ang usapin ukol sa pakikipagtalik upang maiwasan ang hindi inaasahang pagbubuntis at magkaroon ng sexually-transmitted diseases. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨