MGA SPILLWAY GATE NG SAN ROQUE DAM, ISINARA NA

Isinara na ang mga spillway gate ng San Roque Dam matapos ianunsyo ang paghinto ng pagpapalabas ng tubig gabi ng Setyembre 8, 2026.

Ayon sa National Power Corporation (NAPOCOR) San Roque Dam Office, nasa 277.13 meters above sea level (MASL) ang naitalang lebel ng tubig sa dam bandang alas-7:18 ng gabi nang natapos ang spillway discharge.

Nagsimula ang pagpapalabas ng tubig noong Setyembre 2 kung saan binuksan ang dalawang spillway gate.

Umabot sa tinatayang 300 cubic meters per second (CMS) ang unang discharge.

Naitala naman sa 285.15 MASL ang lebel ng tubig noong Setyembre 4, habang dalawang spillway gate ang nakabukas.

Sa kabila ng pagtigil ng spillway discharge, patuloy pa rin ang monitoring sa lebel ng tubig sa dam at sa mga lugar na maaaring maapektuhan sa ibabang bahagi ng Agno River. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments