113 KILO NG KARNE, NAKUMPISKA SA SAN QUINTIN DAHIL SA PAGLABAG SA SAFETY PROTOCOLS

Nakumpiska sa isang checkpoint operation sa Barangay Bantog, San Quintin, Pangasinan ang 113 kilo ng frozen pork at chicken products na tinatayang nagkakahalaga ng ₱20,000 matapos umano nitong lumabag sa itinakdang safety protocols.

Sa isinagawang inspeksyon, napag-alamang hindi sumunod sa mga kinakailangang pamantayan ang mga naturang produktong karne.

Sa koordinasyon ng Municipal Agriculture Office (MAO), isinagawa ang pagsusunog sa mga karne bilang bahagi ng wastong disposisyon.

Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng San Quintin sa pagpapatupad ng mga checkpoint at inspeksyon para maiwasang makarating sa mga mamimili ang mga produktong maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments