Mga squirrel, ginawang imbakan ng walnut ang makina ng isang kotse

1636
Photo: Chris and Holly Persic via Reuters

Sangkatutak na damo at mga walnut ang bumungad sa isang mag-asawa sa Pennsylvania, USA nang buksan ang hood ng kanilang sasakyan matapos mapansin na may kakaiba rito.

Sa nag-viral na Facebook post, ikinuwento ni Chris Persic na nagmamaneho noon ang misis niyang si Holly nang makarinig ng kakaibang tunog at makaamoy ng tila nasusunog mula sa makina.


Nang buksan ni Holly ang hood ng sasakyan, tumambad sa kanya ang makina na natakpan ng tumpok ng damo at mga walnut.

Inabot ng halos ilang oras si Chris para maalis ang higit 200 umanong walnut at mga damo na umabot sa ilalim ng hood.

Pinahatak na rin ang kanilang sasakyan nang magsimulang umalog tuwing paaandarin.

Lumalabas na nanggaling ang mga walnut sa malaking puno sa bahay ng mag-asawa, sabi ni Chris sa CBS.

Kaya naman pala aniya nakapagtataka kung saan napupunta ang mga nahuhulog na bunga ng puno–iniipon na pala ng mga squirrel para sa paparating na tag-lamig.

Facebook Comments

From Advertisers