Mga sugatang pulis na naka-engkwentro ng grupo ni dating Maimbung Sulu Vice Mayor Mudjasan, binisita at binigyan ng tulong pinansyal

Courtesy: Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region

Binisita ni Bangsamoro Police Director BGen. Allan Nobleza ang mga sugatang pulis na naka-engkwentro ng grupo ni dating Maimbung Sulu Vice Mayor Pando Adiong Mudjasan.

Ang mga ito ay binigyan ng tulong pinansyal alinsunod na rin sa direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr.

Maliban dito, nagpaabot din ng pakikiramay at tulong ang opisyal sa naulilang pamilya ni Patrolman Regim Gacod.


Samantala, nagtungo rin si Nobleza sa Sulu Provincial Police Office kung saan kinamusta niya ang mga pulis na nakatalaga rito.

Aniya, pinapapurihan niya ang mga alagad ng batas na nagbuwis ng buhay para lamang magampanan ang kanilang tungkulin.

Payo pa nito na ipagpatuloy lang ang pagseserbisyo sa bayan upang makamit ang kapayapaan sa rehiyon.

Facebook Comments