Mga suspek sa pagpatay sa 2 indibidwal sa loob ng bus sa Nueva Ecija, kakasuhan na

Inaasahang maisasampa na ang kaso laban sa mga suspek na nasa likod ng pagpatay sa mag live-in na negosyante sa loob ng isang bus sa Carangglan, Nueva Ecija kamakailan.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, kasalukuyang nasa Isabela ang mga imbestigador ng Nueva Ecija Police Provincial Office para kumpletuhin ang mga kinakailangang papel at sinumpaang salaysay ng mga testigo.

Ani Fajardo, kabilang sa sasampahan ng reklamo ngayong linggo ay ang dalawang gunmen at ang mastermind sa krimen.


Kumpyansa aniya ang pulisya na tama ang pangalan ng mga suspek na hindi muna isinapubliko.

Nabatid na sa isinagawang Integrated Ballistic Identification System at cross-matching sa mga basyo ng bala ay lumabas na nagamit ang baril sa tatlong iba pang pamamaril kabilang ang isang insidente sa Isabela at dalawang insidente sa Nueva Ecija.

Napag-alaman din na ang mga suspek ay miyembro ng gun-for-hire group base na rin sa mga nakalap na ebidensya.

Facebook Comments