Task force kaugnay sa pagdaraos ng mga survey sa halalan, pormal nang inilunsad

Mahalagang i-regulate ang pagsasagawa ng mga survey.

Ito ang sinabi ni Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia sa isinagawang launching ng Task Force on Regulation and Enforcement of Survey Practices for Election Credibility and Transparency o TASK FORCE RESPECT ngayong Huwebes ng hapon dito sa Comelec Main Office sa Intramuros, Maynila.

Kasabay ng paglulunsad ng task force, pumirma rin ng pledge of commitment ang mga dumalong founder at kinatawan ng malalaking survey firms sa bansa.

Kabilang dito ang OCTA Research, Social Weather Stations, Pulse Asia, WRNumero, PUBLICUS at IBON Foundation.

Sabi ni Garcia, kailangan ito lalo na’t posibleng maka-impluwensiya sa mga botante ang resulta ng mga survey pagdating sa halalan.

Marami rin aniyang naglipana na mga survey na layong lituhin ang mga botante o kaya naman ay pagkakitaan ito na unfair sa mga lehitimong survey firm.

Samantala, nagkaroon din ng dayalogo ang poll body at mga survey organization para alamin kung may dapat idagdag sa resolusyon ng Comelec.

Facebook Comments