MGA TAGA PANGASINAN, SAMA-SAMANG NAGPAABOT NG PAGBATI SA IKA-69 NA KAARAWAN NI PBBM

Sama-samang nagpaabot ng pagbati ang mga mamamayan ng Pangasinan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa paggunita ng kanyang ika-69 na kaarawan nitong Setyembre 14.

‎Naging bahagi ang pagbati sa isinagawang “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat” sa CSI Stadia sa Dagupan City, kung saan inilapit sa mga Pangasinense ang iba’t ibang programa, ayuda at serbisyo mula sa mga ahensya ng pamahalaan.

‎Personal ding nagpaabot ng pagbati si Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez sa Pangulo. Pinasalamatan din ng alkalde ang administrasyon sa patuloy na paghahatid ng mga programa at serbisyong direktang napakinabangan ng mga mamamayan.


‎Nakiisa rin sa selebrasyon si Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, na nanguna sa delegasyon ng mga opisyal ng pambansang pamahalaan na dumalo sa aktibidad.

‎Naroon din ang kinatawan ng gobernador, buong konseho ng Dagupan City, iba pang LGU Officials, at mga regional heads ng iba’t ibang government offices sa rehiyon uno.

‎Hindi lamang sa Pangasinan at Dagupan City isinagawa ang aktibidad, dahil sabay-sabay ding nakiisa ang iba’t ibang lugar sa buong bansa sa mga aktibidad kaugnay ng kaarawan ng Pangulo at paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan.

‎ ‎Naging sentro naman ng selebrasyon sa Dagupan ang mensahe ng pagkakaisa at pasasalamat, kasabay ng paghahatid ng tulong at serbisyo sa mga benepisyaryo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments