DAGUPAN CITY, PINARANGALAN MATAPOS MAKAPAGBIGAY NG 117 BLOOD UNITS SA MGA INDIGENT PATIENTS

Pinarangalan ng Philippine Red Cross Pangasinan Chapter at Red Cross Dagupan City Branch Council ang Dagupan City dahil sa kontribusyon nito sa Blood Samaritan Project.

Iginawad sa lungsod ang Blood Samaritan Award at Scroll of Honor matapos nitong suportahan ang programang nagbibigay ng blood assistance sa mga indigent patients.

Sa ilalim ng programa, 117 blood units ang naipagkaloob sa 95 pasyente na nangangailangan ng dugo.

Batay sa ulat, nakapaglaan din ang Dagupan City ng ₱400,000 para suportahan ang pagpapatuloy ng Blood Samaritan Project at matiyak ang tuloy-tuloy na tulong para sa mga indigenteng Dagupeño.

Layunin ng programa na mabigyan ng kinakailangang blood assistance ang mga pasyenteng kapos sa buhay at walang sapat na kakayahang pinansyal para sa kanilang pangangailangang medikal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments