400 PUNLA NG PUNONG NAMUMUNGA, IPINAMAHAGI SA ALAMINOS CITY

Namahagi ng nasa apatnaraang punong namumunga ang City Environment and Natural Resources Office o City ENRO ng Alaminos City bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Civil Service Month.

‎Isinagawa ang pamamahagi kasabay ng isang araw na Free Self-Care activity para sa mga empleyado ng City Human Resource Management Office o CHRMO.

‎Kabilang sa mga ipinamahaging punla ang duhat, pili, langka, guyabano, kape, kasoy, at pomelo.


‎Layunin ng programa na mahikayat ang mga empleyado na makibahagi sa pangangalaga ng kalikasan at pagsusulong ng mas luntian at sustainable na komunidad.

‎Umaasa ang City ENRO na sa pamamagitan ng simpleng hakbang na ito, mas marami pang empleyado ang mahihikayat na magtanim at maging katuwang sa pagpapanatili ng malinis, luntian, at mas ligtas na kapaligiran sa Alaminos City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments