Saturday, April 25, 2026

NTF-ELCAC, inendorso kay PBBM ang mahahalagang hakbang laban sa insurgency

Inendorso ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kay Ferdinand Marcos Jr. ang mga pangunahing hakbang upang mapabilis ang pagtugon ng pamahalaan sa usapin ng seguridad at kaunlaran sa bansa.

Kabilang sa mga inirekomenda ng task force ang pagpapalawig ng Amnesty Program, pag-prayoridad sa mahahalagang panukalang batas, paglalaan ng dagdag na pondo para sa development programs, at pagpapalakas sa mga mekanismo ng NTF-ELCAC.

Ayon sa task force, mahalaga ang tuloy-tuloy na koordinasyon ng pamahalaan upang matugunan ang mga bagong banta gaya ng recruitment, maling impormasyon, at foreign support networks.

Iniulat din sa Pangulo ang progreso ng National Action Plan for Unity, Peace and Development 2025–2028.

Facebook Comments