
Dinepensahan ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang Lead Defense Counsel na si Atty. Shiela Sison kasunod ng pagtawag dito ni Prosecution Counsel Atty. Lorna Kapunan na isang bully.
Ayon kay VP Sara, ang pagtawag sa kaniyang abogado na bully ay isang paraan lamang para siraan ang dumepensa laban sa labis na political power.
Pinalagan rin ng bise presidente ang ginawang impeachment proceedings at paggamit ng subpoena powers ng Kamara, kung saan iginiit niyang nabigo ang mga ito na maglabas ng matibay na ebidensya bago pa man dalhin ang Articles of Impeachment sa Senado.
Bukod dito, kwinestyon din ni Duterte ang mga umano’y alegasyon ng cash distribution at political mnuevering kaugnay ng 2027 national budget, kung ginagamit ba umano ito para sa mamamayan o bilang ganti at panggipit sa mga senador at kongresista.
Hiniling ng bise presidente ang tunay na pananagutan at ebidensya sa halip na pamumulitika at binigyang-diin na dapat ay ilapat din ang patas na accountability maging kay Pangulong Marcos kaugnay ng usapin ng drug habit.










