
Muling bubuhayin ng pamahalaan ang 61 isinarang balon para madagdagan ang suplay ng tubig sa Metro Manila sa harap ng inaasahang epekto ng El Niño.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, bahagi ito ng mga hakbang ng administrasyong Marcos upang maiwasan ang kakulangan sa tubig sa mga susunod na buwan.
Target ding matapos sa susunod na buwan ang Kaysakat Water Treatment Plant na konektado sa Upper Wawa Dam, na inaasahang makatutulong din sa pagpapalakas ng suplay ng tubig.
Tiniyak ni Castro na nagtutulungan ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang mapaghandaan ang posibleng epekto ng El Niño, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Facebook Comments










