
Umaasa si House Senior Deputy Minority Leader and Mamamayang Liberal party-list Representative na tuluyan ng mapapanagot ang mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation at iba pang sangkot sa maanumalyang pagbili ng medical supplies sa kasagsagan ng COVID 19 pandemic.
Mensahe ito ni De Lima makaraang sampahan ng Office of the Ombudsman ng 11-billion pesos plunder complaint ang 46 na mga indibodual na sangkot sa Pharmally pandemic supply controversy.
Para kay De LIma, dapat ay noong nakaraang administrasyon pa kinasuhan ang mga sangkot sa naturang katiwalian kabilang ang umanong financier at Chinese businessman na si Michael Yang na nagsilbi din bilang economic adviser sa ilalim ng Duterte Administration.
Diin ni De Lima, napakalaking kawalanghiyaan na pinagpyestahan ng mga kawatan ang bilyon-bilyong pisong pera ng bayan habang napakaraming Pilipino ang nagkasakit, namatay, at nalagay sa peligro ang buhay.
Giit ni De Lima, dapat managot sa lalong madaling panahon ang mga walang konsensyang nasa likod nito, at ang mga nangunsinte sa katiwaliang ito.










