Friday, September 25, 2026

Taas pasahe sa jeepney, aprubado na

Inaprubahan na ng Department of Transportation o DOTr ang rekomendasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipatupad ang fare hike sa mga jeepney na una nang sinuspinde noong Marso.

Ayon kay acting LTFRB Chairman Greg Pua, ₱1 ang idadagdag sa minimum fare ng traditional jeepney, habang ₱2 ang dagdag sa bawat susunod na kilometro.

Dahil dito, magiging ₱14 mula sa dating ₱13 ang minimum fare sa unang apat na kilometro ng traditional jeepney, habang ₱2 mula sa ₱1.80 ang bayad sa bawat succeeding kilometer.

Para naman sa modern jeepney, magiging ₱17 mula sa ₱15 ang minimum fare sa unang apat na kilometro, habang ₱2.40 mula sa ₱2.20 ang bayad sa bawat susunod na kilometro.

Facebook Comments