Wednesday, June 3, 2026

Special elections, idaraos ng COMELEC sa 4th District ng Cavite; Kiko Barzaga, maaari pa ring tumakbo

Nakatakdang magdaos ng special elections ang Commission on Elections (COMELEC) para sa ikaapat na distrito ng Cavite.

Ito ay para sa nabakanteng puwesto sa Kamara matapos patalsikin si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, may mahigit isang taon pa ang natitirang termino na magtatapos sa 2028.

Aabot sa ₱200 milyon ang pondong kakailanganin para sa special elections.

Sa ngayon, pinag-aaralan na ng poll body ang paghahanda sa halalan, kabilang ang petsa ng filing ng Certificates of Candidacy.

Samantala, kinumpirma ni Garcia na maaari pa ring tumakbo si Barzaga sa special elections.

Ayon sa COMELEC, hindi naman siya perpetualy disqualified na tumakbo sa halalan.

Facebook Comments