Tuesday, June 30, 2026

Liderato ng Senado, “no comment” pa tungkol sa pagsasampa ng kaso laban kay Sen. Marcoleta

Hindi na muna magkokomento si Senate President Win Gatchalian tungkol sa ulat na sasampahan ng kasong plunder sa Sandiganbayan si Senator Rodante Marcoleta dahil sa pagtanggap ng senador ng P75-M na campaign donations.

Ayon kay Gatchalian, wala pa namang kaso kaya mahirap na magbigay ng komento tungkol dito.

Nang matanong ang Senate president kung bibigyan ng Senado ng proteksyon si Marcoleta sakaling aarestuhin na, sinabi niyang kapag nariyan na ay saka na lamang niya sasagutin.

Samantala, para sa mga kasapi ng Iglesia ni Cristo (INC) na nagkikilos-protesta ngayon bilang suporta umano kay Marcoleta, sinabi ni Gatchalian na iginagalang niya ang isinasagawang rally at karapatan ito ng mga tao subalit apela niya na igalang ang kaayusan at ang mga otoridad.

Naunang sinabi ni Marcoleta na planado ang pagsasampa sa kanya ng kaso para hindi matuloy ang itinutulak niyang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects at para hindi siya makalahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na magsisimula sa Lunes, July 6.

Facebook Comments