Saturday, June 27, 2026

ADMU, naglabas ng pahayag kaugnay ng rekomendasyon ng CIDG na imbestigahan ang 11 coaching staff sa umano’y paglabag sa Anti-Hazing Act of 2018

Nangako ang pamunuan ng Ateneo de Manila University (ADMU) na makikipag-coorperate sila sa mga imbestigasyon ng otoridad kaugnay ng pagkamatay nina vasity-players Rene Baterbonia at Divine Adili.

Sa inilabas na pahayag ng nasabing unibersidad, kinikilala at nirerespeto rin umano nila ang rekomendasyon ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detention Group sa Department of Justice na imbestigahan ang umano’y paglabag sa Anti-Hazing Act of 2018 ng kanilang 11 coaching staff.

Samantala, nakipag-ugnayan na umano ang nasabing unibersidad sa pamilya ng mga coaching staff para magbigay ng tulong at suporta sa legal na proseso ng nasabing rekomendasyon.

Mariin namang iginiit ng unibersidad na nananatiling prayoridad nila ang kapakanan at ikakabuti ng kanilang mga estudyante, at staff.

Facebook Comments