
Pinag-aaralan pa ng Department of Budget and Management (DBM) kung kailangan ng supplemental budget para matustusan ang ayuda at mga programa para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) na naapektuhan ng lumalalang tensyon sa Middle East.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakapaglaan na ang pamahalaan ng karagdagang ₱3 bilyong pondo para sa Department of Migrant Workers (DMW) upang pondohan ang repatriation at reintegration ng mga OFW.
Mula aniya ito sa available funds o savings ng gobyerno sa ilalim ng umiiral na mga patakaran sa paggastos ng pondo ng bayan.
Samantala, wala pang pinal na desisyon o pahayag ang Malacañang kaugnay ng posibilidad na mangutang sa Asian Development Bank para sa karagdagang pondo ng pamahalaan.
Facebook Comments










