Sunday, October 18, 2026

Drug shipment sa Laos na tinangkalang ipasok sa Pilipinas, pinapaimbestigahan sa Kamara

Isinusulong ni House Committee on Good Government and Public Accountability chairperson at Manila Rep. Joel Chua na maimbestigahan ng House of Representatives ang P3.5 billion pesos na shabu shipment sa Laos na tinangkang ipasok sa Pilipinas.

Ayon kay Chua, mahalagang matukoy kung sino ang mga maipluwensyang personalidad na nasa likod ng naturang international smuggling operation ng ilegal na droga.

Katwiran ni Chua, hindi ito ordinaryong isyu kung saan mukhang ginagawang daanan ng ilegal na droga ang Pilipinas kaya dapat mahubaran ng maskara ang mga malalakas ang loob at may kapangyarihan na nasa likod nito.

Para kay Chua, mas maganda na magkaroon tayo ng public hearing sa Kamara upang marinig ang panig ng mga taong naakusahan na may kinalaman sa tangkang pagpapasok sa Pilipinas ng 521 kilo ng shabu na isinakay sa isang private jet sa Laos.

Facebook Comments