MMC, magpupulong bukas kaugnay sa posibilidad na itaas sa Alert Level 2 ang NCR

Dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region, magpupulong bukas ang mga miyembro ng Metro Manila Council.

Ayon kay outgoing ParaƱaque City Mayor at MMC Chairman Edwin Olivarez, pag-uusapan nila ang posibilidad na itaas sa Alert Level 2 ang Metro Manila.

Nabatid na hanggang bukas na lang, June 15, iiral ang Alert Level 1 sa Metro Manila at nasa desisyon ng Inter-Agency Task Force kung palalawigin ito.


Pero sinabi ni Olivarez na kung siya ang tatanungin ay nais niya na manatili muna sa Alert Level 1 ang rehiyon lalo naā€™t hindi pa ito napapanahon.

Ang kailangan lamang aniya ay huwag maging kampante ang publiko at sumunod sa public health standards at samantalahin ang bakuna laban sa COVID-19.

Facebook Comments