Thursday, July 9, 2026

MMDA, hinimok ang shopping mall operators na pansamantalang buksan sa publiko ang kanilang mga parking space

Hiniling ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes sa lahat ng shopping mall operators sa Luzon, na buksan sa publiko ang kanilang mga parking space para sa pansamantalang overnight parking.

Ito ay bilang paghahanda sa inaasahang malakas na hangin at ulan sa Metro Manila at ilan pang mga probinsya.

Base sa Memorandum, epektibo ito simula ngayong Huwebes ng gabi, July 9 at magtatagal hanggang sa makaalis sa Philippine Area of the Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Inday.

Facebook Comments