
Nakamit ng delegasyon ang kabuuang anim na championship awards, labing-apat na gold awards, walong silver awards, at isang high distinction award.
Sa bawat pagtatanghal ay ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang galing na nagresulta sa pagbibigay ng karangalan sa pilipinas.
Hindi naman maitago ng mga miyembro ang kanilang saya sa bawat pag-akyat sa entablado upang tanggapin ang kanilang mga parangal.
Bunga Ito ng kanilang paghahanda at pagtutulungan ng kanilang coach, at mga magulang na gumabay.
Ang kanilang tagumpay ay nawa’y maging inspirasyon sa mas maraming kabataang pilipino upang paunlarin ang kanilang talento, magsumikap, at patuloy na mangarap.
Sa panibagong tagumpay na Ito, muling naitaas ng team pilipinas ang ating bandera at ipinakita sa buong mundo ang husay at galing ng mga pilipino sa larangan ng sining. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










