Thursday, April 23, 2026

PANAWAGAN LABAN SA KARAHASAN SA KABABAIHAN AT KABATAAN, PINALALAKAS NG MGA AWTORIDAD

Muling nanawagan ang mga awtoridad at iba’t ibang sektor ng lipunan sa publiko na maging mapagmatyag at aktibong makibahagi sa pagpigil sa lahat ng anyo ng karahasan laban sa kababaihan at kabataan (VAWC), kabilang ang panggagahasa.

Ayon sa kanilang pahayag, mahalagang hindi manahimik ang sinuman sa harap ng pang-aabuso, dahil ang bawat boses ay may mahalagang papel sa pagprotekta sa mga biktima at pagpapanagot sa mga salarin.

Hinihikayat din ang publiko na agad iulat sa kinauukulang ahensya ang anumang insidente o impormasyong may kinalaman sa pang-aabuso. Bukod dito, binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagbibigay ng suporta sa mga biktima sa isang ligtas at marespeto na paraan, at ang pag-iwas sa victim-blaming.

Dagdag pa ng mga awtoridad, ang sama-samang pagkilos at matibay na paninindigan laban sa karahasan ang susi upang makabuo ng isang ligtas, makatarungan, at mapagkalingang komunidad para sa lahat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments